30 ELECTORAL PROTEST, INIHAIN

MAHIGIT sa tatlumpung electoral protest na ang inihain sa Commission on Elections (Comelec) na may kinalaman sa katatapos na May 9 national at local elections.

Ayon kay Comelec acting spokesperson Atty. Rex Laudiangco, nakasalang na sa pagbusisi ng Electoral Contests Adjudication Department ang mga protesta.

“The Electoral Contests Adjudication Department had informed that they had already received 30 as of May 23, they have received 30 election protest cases,” ani Laudiangco.

Sinabi ni Laudiangco na daraan sa mga regulasyon at proseso ang paghimay sa mga protesta.
Pero paglilinaw ni Laudiangco, kasama sa hurisdiksyon ng Comelec ang mga electoral protest na kinasasangkutan ng mga posisyon sa lungsod, probinsiya at rehiyon.

Nauna nang inihayag ng poll watchdog na Kontra Daya na nagkaroon ng dayaan sa nakalipas na halalan dahil sa kakulangan ng transparency at oversight of experts, disinformation, vote-buying, intimidation, at iba pa.

Sa konklusyon din ng International Coalition for Human Rights, hindi naabot ng nakalipas na eleksiyon sa bansa ang mga pamantayan ng malaya at patas na halalan. Jeff Gallos