30 KABATAAN ARESTADO SA DRAG RACING

drag racing

CAVITE – AABOT sa 30 ‘pasaway’ na kabataan na sangkot sa illegal drag racing ng motorsiklo ang nasakote ng mga operatiba ng pulisya sa isinagawang anti- illegal gambling operation sa kahabaan ng Daang Hari Road sa Barangay Pasong Buwaya 1, Imus City, Cavite noong Biyernes ng madaling araw.

Pormal na kinasuhan sa paglabag sa RA 1602 at MGCQ curfew hour ang mga suspek na sina Kyle Cedric Valerio Martirez; Anton Ugat Lovinay; Carl Yap Monzon; Jake Suarez Guanzon; John Wisley Siwa Nato; Dominic Joseph Orpia Gutierrez; Russel Bayona Nunez; Philip John Falculeta Mondia; Mc Guiller Orate Preclaro; Franco Donina Tullo; Ringguel Banez Manalo; Darwin Sabater Del Rosario ; Edzel Dayrit Canan; Lumineo Escober Dominguez; at si Kirby Garcia Principe.

Kabilang din sa kinasuhan ng paglabag sa MGCQ curfew hour at RA 1602 ay sina Jeric Cortez Sardon; Mark Edison Carin Vicente; Leoncio Eridao Ramos Jr.; Carlo Lacson Monterosso; Marlon Delfin Diaz; Lian Paolo Garcia Romero; Joshua Claros Galang; Nikko Betonio Doctolano; Christian Dave Reyes Cabrera; Merwin Mark Subastil Barbuco;  Joel Cortez Sardon; Mark Joseph Epil Amor; Mark Lawrence Morena Monreal; Jordan Paclebar Fortus at si Jared Penis Diaz.

Base sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, lumilitaw na nakatanggap ng tawag ang pulisya mula sa ilang concerned citizen kaugnay sa nagaganap na drag racing ng mga motorsiklo sa nasabing lugar.

Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ng Intel operatives at Force Multipliers ng pulisya upang beripikahin ang nasabing drag racing na naganap bandang ala-1:30 ng madaling araw.

Naaktuhan ang mga suspek na tumataya laban sa dalawang nagkakarera ng motorsiklo sa kahabaan ng Daang Hari Road at mabilis na inaresto ang mga ito.

Narekober sa illegal drag racing site ang ilang motorsiklo na sinasabing walang plaka at bet money na P4, 500.00. MHAR BASCO

Comments are closed.