KINASUHAN na ng lokal na pamahalaan ng Bukidnon ang 30 katao nang akyatin ng mga ito ang Mt. Kitanglad Range Protected Area Act of 2000.
Ito at nang akyatin ng mahigit 30 mountaineers na umakyat sa ika-apat na pinakamataas na bundok na protektado ng gobyerno sa Pilipinas na matatagpuan sa bayan ng Impasug-ong, Bukidnon.
Una rito, naharang ng mga tauhan ng Department of Interior and Local Government (DENR) at volunteer environmental groups ang mountain climbers habang inaakyat ang tutok na bahagi ng 2,899 meters high na bundok.
Nasa 26 sa mga mountaineers ay nagmula pa sa iba’t ibang bahagi ng Luzon.
Inihayag ni Impasug-ong Police Station commander Capt. Ritchlie Murallon, hinuli ang hindi muna pinangalanang mga mountaineers dahil sa umakyat sila na walang permiso mula sa DENR at mismong local government unit (LGU) ng munisipyo.
Sinabi ni Murallon na dahil kasalukuyang sarado muna para sa lahat ng mountain hikers ang pinakamataas na bundok sa Northern Mindanao ay tuluyang inaresto ang mga ito at naka-kustodiya sa nabanggit na lugar.
P30,000 ang itinakdang piyansa sa mga kinasuhan para sa pansamantalang paglaya.