30% NG MGA PINOY GUMANDA ANG BUHAY

NASA  30 porsiyento ng mga Pilipino ang nagsabi na gumanda ang kalidad ng kanilang pamumuhay ngayong taon kumpara noong taong 2021.

Sa pinakahuling survey ng Social Weather Station.

Batay sa resulta ng SWS, 29 porsiyento naman ang nagsabi na sumama naman ang lagay ng kanilang buhay.

Nasa 41 porsiyento naman ang nagsabi na walang pagbabago ang kanilang buhay.

Isinagawa ang survey noong Setyembre 29 hanggang Nobyembre 2.

Tinanong ang 1,500 respondents “Kung ikukumpara ang uri ng inyong kasalukuyang pamumuhay sa nakaraang 12 buwan, masasabi ba ninyo na ang uri ng inyong pamumuhay ay mas mabuti kaysa noon?”

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews.