30% NG PNP PERSONNEL NABAKUNAHAN NA

LAMPAS 63,000 o 30 percent ng 221,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang nabakunahan na kontra COVID-19.

Sinabi ni PNP-Administrative Support to COVID-19 Operation Task Force (ASCOTF) Commander at PNP Deputy Chief for Administration, Lt. Gen. Joselito Vera Cruz na sa nasabing bilang ay mahigit 21,000 o halos 10 porsiyento na ang nakakumpleto ng pangalawang dose ng bakuna.

Umaasa naman si Vera Cruz na madaragdagan ang mga mabakukunahan sa susunod na panahon lalo na’t kamakailan ay nakatanggap sila ng alokasyon na Sputnik V at may duma­ting din sa bansa ng mil­yong doses ng Sinovac.

Samantala, hanggang Hulyo 18, iniulat din ng ASCOTF na umabot na sa 29,354 ang mga tauhan ng PNP o 13.4 na porsi­yento ng kanilang buong puwersa ang tinamaan ng COVID-19.

Sa bilang na ito, 27,967 ang nakarekober, 1,309 ang aktibong kaso, at 78 ang nasawi.

Kasama na dito ang 44 na bagong recovery at 41 bagong kasong kahapon. EUNICE CELARIO

4 thoughts on “30% NG PNP PERSONNEL NABAKUNAHAN NA”

  1. 583224 354101This really is the suitable blog for anybody who needs to seek out out about this topic. You notice so a lot its virtually laborious to argue with you (not that I really would wantHaHa). You undoubtedly put a brand new spin on a topic thats been written about for years. Wonderful stuff, just fantastic! 597794

Comments are closed.