30 PINOY PATUNGONG UAE PINIGIL

ofw

PASAY CITY – PINIGIL ng Bureau of Immigration (BI) officers ang 30  Filipino tourists sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na patungo sana sa United Arab Emirates (UAE) bunsod ng umano’y planong pagtatrabaho roon.

Ayon sa Immigration Port Operations Division chief Grifton Medina, kabuuang 18 kababaihan, 12 lalaki ang nagsabi na bibisi-tahin lamang nila ang kanilang mga kaibigan at kaanak sa Abu Dhabi ang pinigil ng awtoridad.

Ipinakita rin ng mga ito ang kanilang tourist visas at maging ang return tickets.

Sa pagtatanong, inamin ng 29 na nasabat na magtatrabaho sila sa Dubai bilang waiter sa hotel.

Nakumpiska ng awtoridad sa isa sa mga ito ang fake document at makaraan magtungo sa UAE ay planong magtungo sa Baghdad, Iraq bilang kitchen supervisor. AIMEE ANOC

Comments are closed.