30 PINOY PINAUWI MULA SA HAITI

HAITI

PORT-AU-PRINCE –TATLUMPUNG Filipino workers ang tinulungan ng Philippine government na makauwi sa bansa dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan at karahasan sa Haiti.

Sa pahayag ng Philippine Embassy sa Washington, na may hurisdiksiyon sa Carribean state, na ang mga Filipinong pi­nauwi ay kinabibilangan ng siyam na menor at 21 adults na dumating kahapon.

Ayon sa embahada ng Filipinas, ang mga Filipino ay humingi ng tulong sa pamahalaan dahil walang kasiguruhan  ang kaligtasan at ekonomiya sa Haiti bunsod ng nagpapatuloy na krimen, kaguluhan at pagdukot.

Simula Setyembre 2019, umabot na sa 50  ang napatay habang dosena na ang sugatan dahil sa anti-government mass de­monstrations sa Port-au-Prince at iba pang major cities.

Matagal nang hiling ng mga raliyista ang pagpapasipa kay President Jovenel Moïse, na siyang sinisisi sa mataas na inflation at kakulangan sa fuel supply at hindi pagdurog sa korupsiyon sa gobyerno. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.