INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) na mayroong 30 PNP personnel ang gumaling sa COVID-19 kahapon na umabot na sa kabuuang 7,773 ang nakarekober.
Gayunpaman, nadagdagan naman ng isa ang bilang ng nasawi sa COVID-19 sa hanay ng PNP.
Batay sa rekord ng PNP Health Service, isang 52-anyos na babaeng non-uniformed personnel na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang namatay.
Dahil dito, umabot na sa 27 ang nasawi sa COVID-19 sa PNP.
Samantala, may 22 PNP personnel naman ang nadagdag sa bilang ng mga dinapuan ng COVID-19.
Nabatid na 11 dito ang galing sa Police Regional Office ng Cordillera; 3 sa Police Regional Office 10; Tig-2 sa Police Regional Office 4-A at Bangsamoro; Tig-1 sa National Headquarters, National Operations Support Unit, Police Regional Office 4-B at Police Regional Office 9
Sa ngayon, mayroon nang 8,212 kaso ng COVID 19 sa PNP na kung saan 412 dito ay active cases. REA SARMIENTO
Comments are closed.