(30-point deficit binura) RAPTORS NAKAALPAS SA MAVS

RAPTORS VS MAVS

NAITALA ni Kyle Lowry ang 20 sa kanyang 32 points sa fourth quarter at nag­dagdag ng 10 assists at 8 rebounds nang malusutan ng Toronto Raptors ang  30-point third-quarter deficit upang maitakas ang 110-107 panalo laban sa bumibisitang Dallas Mavericks noong Linggo.

Ang 30-point deficit ang pinakamalaki na nahabol ng Raptors  upang manalo sa laro sa franchise history. Ang naunang pinakamataas ay 27.

Pinalawig ng Toronto ang kanilang winning streak sa limang laro at pinalasap sa Dallas ang unang road loss nito magmula nang malasap ang 103-106 setback sa New York noong Nob. 14.

Nagdagdag si Chris Boucher ng career-best 21 points para sa injury-depleted Raptors, gumawa si Rondae Hollis-Jefferson ng 18 points  at nagtala si Fred VanVleet ng 10.

THUNDER 118, CLIPPERS 112

Napantayan ni Shai Gilgeous-Alexander ang kanyang career high 32 points na naitala sa naunang laro upang bitibitin ang host Oklahoma City sa panalo kontra Los Angeles, na naglaro na wala si Kawhi Leonard.

Si Gilgeous-Alexander ay bahagi ng trade na nagdala kay six-time NBA All-Star Paul George sa Clippers noong nakaraang Hulyo. Si  George, na mainit na tinanggap ng crowd sa kanyang unang pagbabalik sa Oklahoma City, ay tumapos na may 18 points.

Tumipa si Steven Adams ng 20 points at season-high 17 rebounds nang makopo ng Thunder ang ika-4 na sunod na panalo upang umangat sa mahigit .500 sa unang pagkakataon (15-14).  Ipinahinga ng Clippers si Leonard makaraang maglaro siya ng 27 minuto noong Sabado ng gabi sa 134-109 panalo sa San Antonio Spurs. Si Leonard ay hindi nakapaglaro sa magkasunod na games ngayong season dahil sa lingering knee issues.

BUCKS 117,

PACERS 89

Tumabo si Wesley Matthews ng 19 points sa kanyang pagbabalik mula sa one-game absence dahil sa right thigh contusion  nang gapiin ng host Milwaukee ang Indiana.

Nakakolekta si Giannis Antetokounmpo ng 18 points, 19 rebounds at 9  assists para sa Bucks,  na na-outscore ang Pacers, 58-34, sa second half upang umangat sa 21-1 sa kanilang huling 22 games. Nagsalpak sina George Hill at Brook Lopez ng tig-3 3-pointers tungo sa 17-point performances at umangat ang Bucks sa 9-0 laban sa Central Division rivals.

Kumana si Domantas Sabonis ng 19 points at 18 rebounds, at nagdagdag si Doug McDermott ng 15 points para sa Pacers, na naputol ang  five-game winning streak at bumagsak sa 6 1/2 games sa likod ng first-place Milwaukee sa Central Division.

CELTICS 119,

HORNETS 93

Tumirada si Jayson Tatum ng career-high 39 points at nagdagdag si Kemba Walker ng 23 laban sa kanyang dating koponan nang pulbusin ng Boston ang bumibisitang Charlotte.

Tumipa si Jaylen Brown ng 16 points, at nag-ambag sina Grant Williams ng  12 at Enes Kanter ng 13 rebounds para sa Celtics na naitala ang ikat-long suod na panalo. Umiskor si Tatum, na kumalawit din ng 12 rebounds, ng 22 points sa fourth quarter pa lamang upang mahigitan ang kanyang naunang career best na  34 na naitala noong Enero.

Tumipa si Devonte’ Graham ng 23 points at nagdagdag si Bismack Biyombo ng 18 para sa Hornets,  na natalo ng apat sa kanilang huling lima.

Comments are closed.