PASAY CITY – NAIBSAN ang kalungkutan ng may 30 problemadong overseas Filipino workers (OFWs) nang makauwi na ang mga ito sa Filipinas at ngayon ay kapiling na ng kanilang pamilya para iselebra ang Pasko.
Ang mga OFW ay nag-avail ng repatriation program ng DFA at lulan ng Etihad Airways na dumating sa bansa noong Linggo.
Batay sa datos ng DFA, biktima ang mga ito ng human trafficking dahil nananatili ang deployment ban sa Lebanon dahil sa kaguluhan doon.
Kabilang naman sa umuwi ay ang limang paslit.
Ipagpapatuloy naman ng DFA ang pagtulong sa mga problemadong OFW sa iba’t ibang bansa.
“This is the kind of commitment we give to our OFWs under this administration. Time and again, we are ready to serve whenever, wherever,” ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Arriola.
Sinalubong ang mga ito sa Ninoy Aquino International Airport ng mga DFA official sa pangunguna ni DFA Undersecretary for Civilian Security and Consular Concerns Brigido Dulay.
Kasama rin sa sumalubong ay si Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar. EUNICE C.
Comments are closed.