BUMABA pa ang bilang ng mga pulis na patuloy na ginagamot kontra COVID-19.
Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP)-Health Service, 30 pulis na lamang ang ginagamot sa iba’t ibang quarantine facilities.
Gayundin, may walo pang pulis ang nakarekober kahapon habang dalawa ang infected.
Sinabi ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, dahil sa paggalaw ng numero ng kaso, nasa 42,223 ang kabuuang kaso ng COVID-19 simula noong Marso 2020.
Habang 42,068 naman ang nakarekober mula sa nasabing sakit.
Mag-iisang buwan naman na walang naitatalang nasawi, simula noong Nobyembre 10 hindi na nasundan ang 125 na nasawi sa COVID-19.
Samantala, sa 225,592 bilang ng PNP personnel, 94.29% o 212,717 na ang fully vaccinated; 4.96% o 11,199 ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna habang 1,676 pa 0.74% pa ang hindi nababakunahan kung saan 898 ay mayroong medical conditions at 778 naman ay dahil hesitant bunsod ng paniniwala.
EUNICE CELARIO