30 REBELDENG NPA SUMUKO

ISABELA-UMAABOT na sa mahigit 30 na mga supporter ng Communist Party of the Philippines New Peoples Army (CPP-NPA) ang kusang sumuko sa bayan ng Mallig sa Isabela at sa ba­yan ng Rizal sa Cagayan.

Resulta ito ng pinaigting at pinalakas na kampanya ng gobyernong Duterte sa ilalim ng programang Executive Order number 70 o National Task Force to End Local Government Armed Conflict (ELCAC) at ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Sa pahayag ni P/Lt. Melody Grace Ballesteros, Deputy Chief of Police ng Mallig Police Station, bago ang pagsuko ng mga nasabing rebelde ay nakatanggap ng tawag si OIC Chief Of Police P/Capt. Joel

Bumaglag mula kay Eliseo Arrieta Sr. ‘alyas Bubot’, tumatayong lider ng organisasyong “Timpuyog Dagiti Marigrigat a Residente ti Villa Corazon” sa kagustuhan nilang sumuko upang makamit ang mga programa ng pamahalaan.

Sa mga salaysay ng mga sumukong rebelde, kaya sila sumanib sa kilusan dahil sa pangakong lupa at tutulungan ang kanilang mga pamilya at mapapasakamay nila ang lupang kinatitirikan ng kanilang bahay na tuluyang napako.

Samantala,apat namang mga katutubong Agta na taga-suporta ng CPP-NPA ang kusa rin na tumiwalag at boluntaryong sumuko at nagbaba ng kanilang mga armas sa bayan ng Rizal,Cagayan.

Sa tulong ng 17th Infantry Battalion at PNP Rizal, kinilala ang mga sumuko na sina Ka Priz, 65-anyos; Ka Nore, 62-anyos; Ka Rey, 58-anyos at Ka Ferde, 39-anyos na pawang residente ng Barangay Masi, Rizal, Cagayan matapos na malinawagan sa tunay na adhikain ng mga teroristang CPP-NPA na hindi nakakatulong sa kanilang pamumuhay.

Bitbit sa kanilang pagsuko ang tatlong home-made shotgun at isang my serial number shotgun na ibinigay sa kanila ng teroristang grupo. IRENE GONZALES

2 thoughts on “30 REBELDENG NPA SUMUKO”

  1. 514182 79547The next time I learn a weblog, I hope that it doesnt disappoint me as considerably as this one. I mean, I do know it was my choice to read, nevertheless I actually thought youd have something attention-grabbing to say. All I hear is really a bunch of whining about something which you could fix for people who werent too busy in search of attention. 586351

Comments are closed.