UMAABOT sa 30 warden ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nakatakdang iniimbestigahan matapos mapag-alaman umano na sangkot sa paghawak ng pera ng persons deprived of liberty (PDLs).
Ito ay matapos ihayag ni OIC BuCor Chief Gregorio Catapang Jr. na kinumpiska ng ahensiya ang mahigit P300,000 cash na ibinigay sa mga jail guard at tauhan para sa pag-iingat ng mga PDL.
Ayon kay Catapang, inaalam pa nila kung saan dapat gamitin ng mga PDL ang perang ito.
Dagdag dito, ang mga nakumpiskang pera ay inilagay na rin sa ilalim ng kustodiya ng mga awtoridad.
Sinabi pa ni Catapang na magsasagawa ang BuCor ng mga reporma kaugnay sa pagbibigay ng pera sa mga PDL.
EVELYN GARCIA