30 TRAINORS NAGTAPOS SA FRESHWATER AQUACULTURE TRAINING COURSE

Cynthia Villar

MAYROONG 30 trainors ang nagsipagtapos sa Freshwater Aquaculture Training course na silang magtuturo  sa mga magsasaka at ma­ngingisda sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Binati ni Senadora Cynthia Villar, director ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG), ang nagsipagtapos na nagmula sa  National Capital Region, Cavite, Laguna, Batangas, Romblon, Quezon, Mindoro Oriental and the Bicol Region,  sa kanilang graduation  rites sa Villar SIPAG Farm School in Bacoor, Cavite.

Sa pakikipag-partner sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, nagsasagawa ang Villar SIPAG ng limang  araw na pagsasanay sa biology at culture ng tilapia sa ponds/cages. Natutunan dito ng trainees ang mag-breed at mag-culture ng GET-EXCEL Tilapia, Red Tilapia at Ulang.

Natuto rin silang  mag-culture ng natural na pagkain para sa mga isda at inventory data na may kaugnayan sa fish culture.

Tinuruan din ang trainees  ng fish health management gaya ng fish at shrimp diseases at treatment, handling water quality bilang requirement sa aquaculture at ang fish kill investigation. Tinalakay rin sa kanila ang proseso ng farm registration/ accreditation.

Kabilang din sa programa ang fish processing. Tinuruan ang mga kalahok ng fish processing technologies sa paggawa ng fish ball, kikiam, embutido, patty, nuggets at ang potensiyal nito sa kabuhayan.

Nadagdagan din ang kaalaman at pang-unawa ng mga kalahok sa tamang handling at processing ng fish at fishery products at tinulungan sila sa kahalagahan ng magandang  manufacturing practices at sanitation standard operating procedures alinsunod sa food safety.

Sakop din ng programa ang aquaponics, ipinakita ang  small-scale model ng integrated aquaponics system ma tumukoy sa benepisyo  ng mas mababang halaga ng produksyon. Sinuri rin ng economic variability ng production system bilang alternatibong kabuhayan sa urban areas.

Tinuruan din ang mga trainees kung paano mag-breed at mag-culture ng freshwater ornamental fishes, mag-culture ng natural/live food para sa ornamental fish at gumawa ng malusog at de kalidad na  fish fingerlings at mag-ayos ng breeding cage pati na rin ang  packaging techniques. VICKY CERVALES