$300-B MAWAWALA SA PINAS (Kung ‘di maaaprubahan ang Citira)

Albay-Rep-Joey-Salceda

NANAWAGAN si Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng House committee on ways and means, sa Senado na asikasuhin na ang halos dalawang taon nang nakabimbing Corporate Income Tax and Incentives Reform Act (CITIRA) dahil papa-tapos na ang sesyon nito sa Marso.

Sa weekly Usa­ping Balita media forum sa Quezon Circle, sinabi ni Salceda na nararapat na pagtuunan na ito ng pansin ng Senado dahil malaki ang nawawalang halaga ng mga investment na dapat sana’y napakikinabangan na sa bansa.

Sa pagtaya ng eko­nomistang kongresista, aabot sa $300 billion ang mawawalang investment kung hindi pa ito matutugunan ng Senado.

Aniya, dumaan na ang dalawang taon at tinatayang nasa $12 billion na ang dapat sana’y naipasok sa Filipinas kung noon pa man ito nabigyan ng prayoridad ng Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Sinabi pa niya na aprubado na ng Kongreso ang lahat sa usapin sa Ci­tira kung kaya dapat nang aksiyunan ito ng mga senador upang maabot ng bansa ang inaasam na mataas na credit rating ng Fitch Ratings Inc.

Idinagdag pa ng kongresista na sa pagsasakatuparan ng Citira, maraming trabaho ang malilikha sa bansa at mababawasan din ang pagi­ging peligroso sa pamumuhunan ng mga malalaking negosyanteng nais maglagak ng negos­yo sa Filipinas. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.