300 DOH EMPLOYEES POSITIVE SA COVID-19

NASA  300 empleyado ng Department of Health (DOH) ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, daan-daang kawani ng DOH ang naka-quarantine ngayon.

Gayunman, tiniyak naman ng opisyal na hindi gaanong apektado ang operasyon ng kagawaran dahil sa kanilang ipinatutupad na skeletal workforce.

Sinabi pa ni Vergeire na marami sa mga personnel ng DOH ang balik trabaho na dahil sa bagong polisiya nito sa isolation at quarantine period ng mga fully vaccinated healthcare workers na tinamaan o na-expose sa COVID-19. DWIZ882