300 ENTRIES MAGGIGIRIAN SA WORLD SLASHER CUP

TAMPOK ang mahigit sa 300 entries sa pagsiyapol  ng  2019  World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby  ngayong araw sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.

Ayon kay Pit Games Media CEO Manny Berbano, ang 2-cock elims ay magpapatuloy bukas at sa Enero 30, habang nakatakda sa Enero  31, Peb. 1 at  Peb. 2  ang 3-cock semis, Peb. . 3 at Peb. 4 ang 4-cock finals at sa Peb. 6 ang 4-cock Grand Finals.

Suportado ng Excellence Poultry and Livestock Specialists, ang 9-araw na international cockfest kung saan host ang Pintakasi of Champions ay umakit ng pinakamabibigat na derby champions sa kasalukuyan.

Sisikapin ni cockfight  idol Patrick Antonio, defending champion na may 8.5 points, na masikwat ang kanyang ika-8  WSC title.

Bukod kay Antonio,  lalahok din ang mga past champion ng WSC na sina Biboy Enriquez  ng Excellence, Nene Araneta, Ray Alexander ng Alabama, Rey Briones, Dicky Lim, Joey Sy, Ed Aparri, Art deCastro, Doc Ayong Lorenzo, Boy Marzo, Frank Ber-in, Dante Eslabon, Escolin Brothers, Rikki Reyes, Magno Lim, Peping Ricafort, Boy de Roca, Honey Yu, Noel Jarin at Joey delos Santos kasama si  American partner Bruce Brown ng California.

Kabilang naman sa foreign participants sina Lonnie Harper; Marty Bently ng Ohio; Mike Formoso, Erik Rosales, Robert Dominguez at  Bruce Brown ng California; Butch Cambra ng Hawaii, Nathan Jumper ng Mississippi, Tim Fitzgerald ng Utah, Bobby Fairchild ng Kentucky, Brent Douglas ng Black Bonanza fame at Ernest Atkins ng Tennessee.

Ang iba pang foreign entries ay mula kina Ferdinand Macaraeg, at  Soan Sogianto ng Indonesia; Rene Penalosa, Joey Melen-dres at  Greg Berin ng Australia at Mark Salazar ng Malaysia.

Ang iba pang kalahok ay sina Ed Ochoa, Jun Sevilla, Mel “Man Fighter” Lim, James Uy, Roel Gatchalian, Allan Siyaco, Celso Evangelista, James Yap, Gerald Ampil, Rhemy Medrano, Arman Santos, Crispin Aguas, Rey Morla, Tony Marfori, Virgilio Lac-son, Jun Villanueva, Boyet Plaza, Aylwynn Sy, Ricoy Palmares Jr., Efren Canlas, Doc Marvin Rocafort, Celso Salazar, Jet Fernan-do, Carlos Tumpalan, Boy De Roca, Dong Chung, Nelson Uy, Terence Madlambayan at Ma. Paz Ducepec.

Nakatakda naman ang WSC Cup 2 sa Mayo 27-Hunyo 2, 2019.

 

Comments are closed.