300 ESTUDYANTE NAKINABANG SA SPES

Mayor John Rey Tiangco2

UMABOT sa 300 na kabataang Navoteño ang na­big­yan ng trabaho ng pamahalaang lungsod ng Navotas sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students (SPES).

Ang mga benepisyaryo, na mga mag-aaral sa Grade 10-12 at kolehiyo ay naitalaga sa iba’t ibang opisina sa Navotas City Hall para gumawa ng mga gawaing klerikal.

“Ang maliliit na gawain ay nakahuhubog ng disiplina. Wag ninyong maliitin ang kapangyarihan nitong magturo sa inyo ng mahahalagang aral sa buhay,” ani Mayor John Rey Tiangco noong SPES Closing Program.

Ikinuwento nito na noong bata siya, pina-file sa kanya ang mga nabayarang tseke ng mga supplier base sa kanilang bilang. Aniya, nakababagot ang ganoong gawain pero nalaman niya ang halaga nito noong nag-aral siya tungkol sa negosyo pagdating niya ng kolehiyo.

Hinimok din ni Tiangco ang SPES beneficiaries na tapusin ang kanilang pag-aaral at patuloy na matuto.

Aniya, mas marami ang oportunidad na nagbubukas sa mga taong may mara­ming kakayahan at mataas na pinag-aralan.

Gayunpaman, pinaalalahanan din niya sila na mahalaga ring magkaroon ng mabuting karakter at ugali sa trabaho.  EVELYN GARCIA

Comments are closed.