300 KABAHAYAN MAY MALINIS NA TUBIG NA

WATER

SA UPLAND barangays kung saan kapos ang suplay ng tubig, ang access sa tubig ay mahalaga sa magandang kalusugan at pag-unlad ng ekonomiya.

Sa Toledo City, mahigit sa 300 kabahayan ang magkakaroon na ng access sa suplay ng malinis na tubig makaraan ang karagdagang 75,000-liter ca-pacity water reservoir sa Purok Santol Village, Barangay Don Andres Soriano.

Carmen Copper
PORMAL na itinurn-over ng Carmen Copper ang mahigit sa 75,000-liter capacity water reservoir sa Santol Village Multipurpose Cooperative na kayang mag-accommodate ng 300 pang kabahayan na magkakaroon ng access sa suplay ng malinis na tubig.

Pormal na itinurn-over ng Carmen Copper Corporation sa pamamagitan ng  Social Development and Management Program (SDMP) nito ang water system expansion project sa Santol Village Multipurpose Cooperative sa isang simpleng turnover ceremony kamakailan.

Sa karagdagang bago at mas malaking reservoir, maseserbisyuhan na ng Santol Village MPC ang 300 pang kabahayan na magbibigay ng benepisyo sa may 1,800 indibiduwal.

Ang cooperative water system ay kasaluku­yang nagsisilbi sa may 192 kabahayan o mahigit sa 1,000 residente sa pitong sitios ng Barangay Don Andres Soriano.

Ang proyekto ay suportado ng United Nations Sustainable Development Goal No. 6: Ensure availability and sustainable management of water and sanitation for all.

“We’ve waited 20 years for this expansion. In the past, we cannot accommodate more requests because our previous capacity of 40 cubic meters (40,000 liters) just cannot cope with the demand,” wika ni SVMPC Chairman Ernesto Largo.

Dahil sa limitadong suplay ng tubig, ang SVMPC water system ay tatlong beses sa isang araw lamang nag-o-operate. Kinukuha nito ang tubig nito mula sa kalapit na water source.

“The additional capacity would also mean additional income for the cooperative, which currently collects P40,000 to P50,000 monthly before maintenance and operating costs.”

“This for sure will make us more sustainable and profitable in the future. But what is more important is that more residents will get access to clean water. And it is all thanks to Carmen Copper with the support of the barangay council. Thank you Carmen Copper and SDMP for looking after the wel-fare of the public by ensuring that we have access to one of man’s most basic necessities,” sabi pa ni Largo.

Ang Carmen Copper, na kinukuha ang karamihan ng tubig nito sa Malubog Dam para sa domestic at industrial use, ay nagsusuplay rin ng tubig sa  Toledo City Water District (TCWD). Sa kasalukuyan, ang Carmen Copper ay nakapagkaloob na ng 3.4 million cubic meters ng fresh water sa TCWD.

Comments are closed.