300 KABATAAN NAKALIBRE NG ALMUSAL

MAYNILA – “MAS masarap ang pakiramdam ng nagbibigay kaysa tumatanggap”.

Ito ang tugon sa PILIPINO Mirror ng isa sa miyempro ng Lions Club International Pasay City- District 301-A2 na bahagi ng kanilang Feeding Prog­ram na isinagawa kahapon sa Brgy. 183, Gagalangin, Tondo.

Ang nasabing prog­ram ay bahagi ng proyektong paglaban sa gutom (Hunger Program) ng nasabing grupo sa pamamagitan ni Lion Year 2019-2020 President Lydia Bendaña Bueno.

Sa statement ng grupo, ang proyekto ay para sa mga higit na nangangailangan ng kalinga, na naaayon sa isa sa mga pangunahing dahilan (Hunger  vision, Diabetes  Cancer  Environment)  ng Lions Clubs International na HUNGER.

Nagpasalamat naman si Bueno sa mga miyembro nito nakiba­hagi sa Feeding Prog­ram gayundin kay Brgy. Chairman Joseph Lipasana at sa mga tanod nito na nagbigay ng seguridad sa lugar

“Salamat sa lahat ng nakibahagi sa natu­rang programa na kauna-unahan sa aking termino para sa Lion Year 2019-2020,” ayon pa kay Bueno. EUNICE C.