300 KATUTUBO LUMAHOK SA HALALAN NG IPMRs

BULACAN- MAHIGIT 300 mga katutubong Dumagat mula sa ibat-ibang Sitio sa bayan ng Norzagaray at Doña Remedios Trinidad ang bumaba mula sa kabundukan ng Sierra Madre para sa nakatakdang halalan ng Indigenous Peoples’ Mandatory Representations (IPMRs) ngayong araw na gaganapin sa Capitol Gymnasium sa Malolos City.

Ayon sa tribal chieftains, maghahalal sila ng bagong leader na kakatawan sa kanila sa pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan.

Ang mananalong IPMR ay yung magkakaroon ng pinakamaraming bilang ng mga katutubo sa kanilang pwesto.

Samantala, dahil sa matinding pagod ay napaanak nang wala sa oras si Nanay Rosalene Dela Rosa matapos magbangka ng isang oras at maglakad ng isang araw at kalahati mula sa Sitio Inuman sa bayan ng DRT. THONY ARCENAL