$300-M LOAN APRUB SA ADB

Asian Development Bank

MAGKAKALOOB ang Asian Development Bank (ADB) ng  $300 million loan upang tulungan ang bansa na palakasin ang partisipasyon ng Public Private Partnerships (PPPs) sa ‘Build Build Build’ (BBB) program ng administrasyong Duterte.

Ayon sa ADB, tutustusan ng policy-based loan ang Expanding Private Participation in Infrastructure Program (EPPIP) subpro-gram 2 project na sumusuporta sa PPP reforms.

Sinabi ng Manila-based multilateral development bank na matagal na itong sumusuporta sa PPP reforms magmula nang ilunsad ang programa noong 2010. Ang ADB ay isa sa mga supporter ng Project Development Monitoring Facility (PDMF) na nilikha upang tustusan ang pre-feasibility studies.

“The Philippines has made significant progress since the PPP program was launched in late 2010,” wika ni ADB Country Director for the ­Philippines Kelly Bird. “With a huge project pipeline being rolled out under the BBB program of President Rodrigo Duterte, leveraging public resources via private sector participation remains relevant.”

Ang mga reporma ay nakatulong din para mapadali ang paggamit sa PPPs ng local government units (LGUs) bilang alternatibo sa pagsusulong ng infrastructure development.

Bukod sa pagtulong sa LGUs, sinabi ng ADB na ang PPPs ay mahalaga para matugunan ang development constraints, lalo na para sa isang bansa tulad ng Filipinas na mabilis na lumalago ang ekonomiya, at may archipelagic geography, expanding population at rapid urbanization.

Target ng pamahalaan na maitaas ang infrastructure investments nito sa 7.4 percent ng gross domestic product pagsapit ng 2022 mula sa 5.1 percent noong 2016.

Ang BBB program, na bahagi ng medium-term Philippine Development Plan, ay tinatayang mangangailangan ng kabuuang  $168 billion investments para sa 75 high-impact priority projects sa buong bansa.

Para matustusan ito, sinabi ng  ADB na nais ng gobyerno na gumamit ng optimal funding mix na binubuo ng government spending, official development assistance at private capital.

“PPPs can raise the quality of life for citizens by providing reliable public services through efficient infrastructure. Reforms under the EPPIP program have been successful in stimulating the PPP market and improving the quality of infrastructure projects in the Philippines,” pahayag ni ADB Senior Trade Specialist Cristina Lozano.

Magmula noong  2010, ang pamahalaan ay nakapag-award na ng kabuuang  16 national PPP projects na nagkakahalaga ng $6.2 billion, kung saan 12 dito ay iginawad sa implementasyon ng EPPIP. Nakumpleto na rin ang feasibility studies para sa anim na proyekto sa nasabing program period. CAI ORDINARIO

Comments are closed.