NILAGDAAN kahapon ng Philippine government, sa pamamagitan ng Department of Finance (DOF), at ng World Bank ang $300-million loan agreement para sa Second Social Welfare Development and Reform Program na magkakaloob ng karagdagang pondo para sa conditional cash transfer program ng gobyerno.
Ang deal ay nilagdaan nina World Bank Country Director Mara Warwick at Finance Secretary Carlos Dominguez III sa Maynila.
Ang World Bank ay nakapag-ambag na ng kabuuang $1.26 billion sa 4Ps magmula nang una itong magkaloob ng funding support para sa programa noong 2010.
Noong 2016 ay inaprubahan ng multilateral lender ang $450-million funding upang makatulong sa pagpondo sa health and education grants para sa mga benepisyaryo ng conditional cash transfer mula 2016 hanggang 2019.
Saklaw ng bagong $300 million loan ang pagpondo sa cash transfers sa may 4.2 million na mahihirap na household beneficiaries ng programa sa susunod na dalawang taon o hanggang 2022.
Magkakaloob ito ng technical assistance sa pamahalaan ng Filipinas upang makatulong sa pagpapalakas ng implementasyon at epekto ng programa, kabilang ang episyenteng payment systems, monitoring at evaluation, at family development sessions.
Sakop din ng dagdag na pondo mula sa World Bank ang 9% ng kabuuang budget para sa 4Ps na nagkakahalaga ng $1.7 billion.
“The latest poverty measurement shows that the percentage of Filipinos living in poverty reduced from 26.6% in 2006 to 21.6% in 2015. This progress is remarkable and set to continue,” wika ni Warwick.
“Behind this progress in poverty reduction are the country’s strong safety net programs implemented by the DSWD (Department of Social Welfare and Development),” aniya.
Ayon sa 2018 Poverty Assessment ng World Bank, ang 4Ps ay nakatulong nang malaki para mabawasan ang kahirapan sa bansa.
Nagpasalamat naman si Dominguez sa World Bank para sa $300 million na dagdag na financing.
“I thank the World Bank for facilitating additional financing for the Second Social Welfare Development and Reform Program. The Bank has been a strong and reliable partner in the implementation of our conditional cash transfer initiative called the Pantawid Pamilyang Pilipino Program or 4Ps,” pahayag ni Dominguez. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.