$300-M LOAN PARA SA LGUS APRUB NA SA ADB

ADB-3

INAPRUBAHAN na ng Asian Development Bank (ADB) ang $300-million policy-based loan upang suportahan ang mga reporma ng local government units (LGUs) sa buong bansa.

Ang ayuda ay isasagawa sa pamamagitan ng Local Governance Reform ­Program (LGRP) subprogram 1, na naglalayong tulungan ang LGUs na maghatid ng dekalidad na serbisyo, mapalago ang ekonomiya, at mabawasan ang kahirapan.

“ADB supports the ­Philippine government’s goal of creating a high-trust society, where citizens have confidence in the capacity of local government institutions to deliver services to communities and provide a ­simpler business environment for private enterprises,” wika ni Jose Antonio Tan, director for Public Management, Financial Sector, and Trade sa Southeast Asia Regional Department ng ADB.

“A healthy business environment will lead to more jobs and strengthen the local economy,” paliwanag pa niya.

Sa ilalim ng LGRP, ang LGUs ay binibigyan ng kaparaanan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan at matiyak na naghahatid sila ng serbisyo na nakapanig sa local preferences, mapaghusay ang kanilang kakayahan na makalikom ng sarili nilang kita at mapababa ang halaga ng pagnenegosyo para sa pribadong sektor.

“The ADB program under LGRP is helping the go­vernment provide LGUs with the tools and skills necessary to deliver high-quality public services in an accountable and cost-effective manner,” sabi ni ADB Public Management Specialist for Southeast Asia Robert Boothe.

Sa kaagahan ng taon ay inaprubahan ng Manila-based ADB ang pagtustos ng hanggang $2.75 billion para sa North-South Commuter Railway (NSCR).        PILIPINO Mirror Reportorial Team