300-M POSITIVE SA COVID-19 SA BUONG MUNDO

PUMALO  na sa 300 milyong katao ang nagpositibo sa COVID-19 sa buong mundo.

Sinasabing isa sa mga dahilan ng pagtaas ng kaso ang Omicron variant.

Sa nakalipas na pitong araw, 34 na bansa ang nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19.

Umabot sa 13.5 milyon ang nadagdag sa talaan sa nakalipas na linggo lamang.

Nangangahulugan ito ng pagtaas ng 64 porsiyento.

Nagbabala si World Health Organization chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na hindi dapat na tratuhin na mild ang Omicron dahil marami na ang naoospital at namamatay rito.

Samantala, last resort na lamang o huling hakbangin ang kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga hindi pa bakunado na maggigiit na lumabas pa rin.

Ayon ito sa DILG matapos nilang atasan ang local officials na bawasan base sa batas, ang galaw ng mga indibidwal na wala pang bakuna.