IKINATUWA ng pamilya ng may 6,000 World War II, Korean at Vietnam war veterans ang report na sa pagpasok ng 2019 ay makatatanggap sila ng malaking dagdag sa kanilang buwanang pensiyon.
Nauna rito ay inihayag ni Senador Gregorio Honasan na simula sa susunod na taon, matatanggap na ng mahigit 6,000 beterano ang 300 porsiyentong pagtaas sa kanilang monthly pension.
Ayon kay Honasan, ang pangunahing may-akda ng Senate Bill 1766, lagda na lamang ni Pangulong Ro-drigo Duterte ang kailangan para ganap itong maging batas.
Sa isang okasyon para sa mga beterano ay inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na, “Recog-nizing the veterans’ great contribution to society, the Department of National Defense, through the Philippine Veterans Affairs Office (PVAO), endeavors to honor them through programs that intend to ensure their welfare and wellbeing and that of their families.”
Nabatid na sa nasabing panukala, mula sa P5,000 ay magiging P20,000 na ang monthly old age pension mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ng Filipino war veterans, ngunit hindi ito maaaring mailipat sa dependents kapag namatay na ang pension-er.
Ang pagtaas ay para lamang sa mga nabubuhay na beterano at hindi ito puwedeng ilipat sa sinumang miyembro ng kanilang pamilya o kanilang dependents.
Base sa panukala, kapag pumanaw na ang beterano ay babalik sa P5,000 ang pensiyon na mata-tanggap ng kanilang maiiwang pamilya.
Napag-alamang isinumite na sa tanggapan ng Pangulo ang nasabing panukala noong nakalipas na bu-wan at mangangailangan ito ng karagdagang P887.94 milyong pondo para sa AFP.
Kapag tuluyang naisabatas, ang P1.18-B pondo para sa unang taon ng implementasyon nito ay kukunin sa kasalukuyang pondo ng Philippine Veterans Affairs Office o PVAO at sa mga susunod na taon ay ipapaloob na ito sa pambansang badyet. VERLIN RUIZ
Comments are closed.