HALOS nasa 300 Filipino na naninirahan sa East Gippsland, Victoria ang lumikas upang makaiwas sa bushfires sa Australia.
Sinabi ni Canberra First Secretary at Consul General Aian Caringal na pansamantalang nananatili sa evacuation centers ang mga Filipino.
Ayon kay Caringal, ipinatupad ang paglilikas bilang precautionary measure matapos na masama ang dalawang bahay ng mga Filipinong residente sa 1,500 na tinupok ng bushfires sa lugar.
Magugunita na Setyembre 2019 pa nang magsimula ang bushfires sa Australia, dahilan para lumikas ang maraming residente mula sa kanilang tinutuluyang bahay.
Magmula noon ay naka-deploy na ang mga sundalo ng bansa para tumulong sa mga volunteers sa pag-apula ng apoy at pag-evacuate na rin sa mga residente. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.