300 SLOTS NG BAKUNA KADA ARAW SA MGA BATA

NAGLALAAN ng 300 slots kada araw para mabakunahan ang mga kabataang nasa edad na 12-taong gulang hanggang 17-taong gulang na kabataang nais na magpabakuna kasama ang magulang o guardian.

Kasabay nito ang paglalaan ng tatlong pediatric vaccination sites sa Navotas City Hospital, Kaunlaran High School at Tumana Health Center.

Ayon sa pamahalaang lungsod, kailangang magpa-appointment muna sa covax.navotas.gov.ph ang mga kabataan na nais na magpabakuna upang maiwasan ang pagdami ng mga pupunta sa vaccination site.

“”We have started our vaccination for 12-17 years old, with or without comorbidity. We have allocated 300 slots per day. Parents or guardian, who have yet to get their vaccine, may accompany their child and have themselves vaccinated, too. However, they need another adult to assist them in case they experience side effects,” anila.

Gayundin, inihayag ng City Health Office, nasa 31 active cases na lamang ang Navotas.

Samantala, umaabot na sa 310,000 doses ng COVID vaccine na kung saan mayroon ng 162,039 ang nabakunahan ng first doses at nasa 147,961 ang nasa second doses na at naabot na ng Navotas local government unit (LGU) ang lowest active cases ng Covid-19. VICK TANES/EVELYN GARCIA