TUGUEGARAO CITY-UMABOT sa 300 social workers, indigent senior citizens, mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Cagayan Provincial Jail (CPJ) ang nabakunahan na sa umpisa ng dalawang araw na vaccination ng Department of Health (DOH) sa loob ng SM Center Tuguegarao Downtown mall noong Abril 21.
Ayon kay Gertrudes Candaroma, 77-anyos, tila nawala ang kanyang takot sa COVID-19 dahil nabakunahan na ito.
“Matapos ako mabakunahan nawala na ang pangamba ko at takot para sa aking sarili. Dahil frontliners ang ilan sa aking mga anak, nakasisiguro na akong protektado ako sa matinding panganib ng COVID-19.
Maganda at presko dito sa vaccination area dahil well ventilated. Mas maganda kumpara sa labas . Kaya nag papasalamat ako dahil inaccommodate kaming mga senior citizen. Napakaaliwalas at mababait sila,” ayon pa kay Candaroma.
Umayon din ang 63-anyos na si Eutiguio Addun na nabakunahan na rin bilang karagdagang proteksiyon.
Ayon kay Mayor Jefferson Soriano, ang mga vaccination sites sa mga mall ay isinagawa matapos ang masusing pagsusuri na inaprubahan ng DOH at ng pamahalaang-lokal.
“Ang vaccination area ay naiilawan ng maayos, presko o ventilated at mataas ang bubong kaya hindi mainit,” dagdag niya.
Kabilang ang naturang mall sa 20 SM malls na kasama sa lugar ng immunization program sa bansa.
ROSENDA VISAYA
126534 322823I believe that a simple and unassuming manner of life is best for everyone, greatest both for the body and the mind. 945334
91404 894074As soon as I discovered this website I went on reddit to share some with the enjoy with them. 413266
380984 536297Hey, you used to write outstanding, but the last couple of posts have been kinda boringK I miss your super writings. Past few posts are just a little out of track! come on! 491118