300 STUDES NABIYAYAAN NG CASH AYUDA NG ANG PROBINSYANO PARTYLIST

NASA 290 mga mag-aaral mula sa high school at college levels sa Maynila at Marikina City ang nabiyayaan ng cash ayuda bilang educational assistance sa pangangailangan para sa kanilang pag-aaral.

Dumagsa sa Batasang Pambansa sa Quezon City ang mga mag-aaral mula sa Marikina City at Alakdan covered court sa Sandres Bukid ang mga estudyante mula sa ibat ibang paaralan na pawang mga benepisyaryo ng ayuda na ipinamahagi ni Ang Probinsyano Partylist Representative Alfred delos Santos katuwang ang taga Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Delos Santos, 270 mag -aaral sa Maynila ang nakatanggap ng P2,000 bawat isa bilang pandagdag sa kanilang school budget.

Sumailalim naman sa educational assistance orientation sa Tanong Barangay Hall sa Marikina City ang may dalawampung student-beneficiaries bago nagsitungo ang mga ito sa Batasang Pambansa sa Quezon City para sa kanilang payout.

Bawat high school student ay nakatanggap ng P2,000 hanggang P3,500 habang sa mga college student naman ay nasa P5,000 ang nakuhang ayuda.

Sinabi pa ng mambabatas na isa rin ito sa paraan na makatulong din sa mga naghihirap na mga estudyante na magkaroon ng sariling budget sa bulsa dahil sa patuloy na nararanasang pandemya ng bansa.

Ipinaalala ni Ang Probinsyano Party-List third nominee Michael Chua sa mga mag-aaral na dumalo ang mahalagang papel ng kabataan sa paghubog ng kinabukasan ng bansa.

“Kami po ay naghahangad ng isang inklusibo at produktibong pag-aaral para sa lahat. Kung kayat kami po ay naririto upang maghatid ng kaunting tulong,” pahayag ni Chua.

Hinimok ni Chua ang mga estudyante na pagtibayin ang kanilang edukasyon dahil ito ang kanilang tulay para sa mas magandang bukas.

Nagpaabot naman ng pasasalamat sina Janella Ciervo at Cristel Dizon, mula sa Jesus Reigns Christian College at Universidad de Manila, sa tulong na kanilang natanggap.

Mula sa isang malaking pamilya na may maliit lamang na income, sinabi ni Ciervo na gagamitin niya ang ayuda bilang pambayad ng kanyang tuition. Ayon naman kay Dizon, malayo ang mararating ng dalawang libo para sa estudyanteng kagaya niya.

Mula nang maupo sa puwesto noong 2019, higit limang libong estudyante na sa buong bansa ang natulungan ng Ang Probinsyano Party-List sa pamamagitan ng educational assistance program nito, na isinasagawa kaagapay ang DSWD, Technical Education and Skills Development Authority at Department of Labor and Employment internship unit.

Noong nakaraang linggo, isa ang Ang Probinsyano Party-List sa mga party-list groups na pinayagang tumakbo ng Commission on Elections sa halalan sa May 9, 2021.