CAMP AGUINALDO- NASA 300 military exercises ng Filipino at US soldiers ang apektado sa pagkansela ng Visiting Forces Agreement (VFA).
Ito ang inihayag ni US State Department Assistant Secretary for Political-Military Affairs Clarke Cooper sa Asia Pacific Media Hub Call.
Ang 300 military exercises ng US at Philippines ay nakapaloob sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Paliwanag ni Cooper, ang mga ehersisyo ay para mapahusay ang “interoperability” sa pagitan ng US at Philippine Military.
Mahalaga aniya ito hindi lamang sa pagtatanggol ng soberaniya ng Filipinas kundi para sa pagtataguyod ng kapayapaan, seguridad sa rehiyon.
Matatandaang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ipag-uutos na ng Pangulong Duterte sa DFA na simulan na ang pagkansela sa VFA. REA SARMIENTO
Comments are closed.