300 VINEGAR BRANDS NA MAY SYNTHETIC ACETIC ACID NA-CHECK NA NG DOH

SUKA-2

NA-CHECK na ng Department of Health ang 300 local at imported vinegar brands na ibinebenta sa bansa kung ang mga halo nito ay may mga banned ingredient, ayon sa isang opisyal kamakailan.

Isinagawa ang testing ilang linggo matapos na madiskubre ng Philippine Nuclear Research Institute na ang 80 porsiyento ng suka na ibinebenta sa bansa ay hindi gawa sa natural ingredients.

Prayoridad ng ahensiya ang testing ng local brands at ang paunang resulta ay malalaman na sa susunod na linggo, sabi ni Health Undersecretary Rolando Domingo. Tumanggi siya na tukuyin ang mga partikular na mga brand ng suka.

Dagdag pa niya na wala namang banta sa kalusugan ang synthetic acetic acid kaya lamang ay hindi ito pinapayagan sa bansa.

Nauna nang magsagawa ng magkahiwalay na pag-aaral ang Department of Science and Technology at ang Food and Drug Administration para ma-check ang mga sangkap na ginagamit sa suka at iba pang halo nito.

“Condiments usually undergo the process of fermentation, and the raw materials must come from fruits and other natural products,” naunang paha-yag ni Raymond Sucgang, section head ng Nuclear Analytical Techniques Applications Section.

“One can only imagine all the impurities and residues from the petroleum by-products, which can be the source of various degenerative diseases,” aniya.

Ang mga brand ng toyo, patis, at ketsap ay tetestingin din sa mga susunod na linggo, ayon sa mga ahensiya ng gob­yerno.

Comments are closed.