PASAY CITY – TATLUNDAAN katao na residente ng Southern Metro Manila ang inaresto dahil sa paglabag sa mga ordinansa sa kanilang mga lungsod.
Batay sa datos ng Southern Police District (SPD), umabot ng 315 ang dinakip mula 5:00 ng umaga noong July 6 hanggang 5:00 ng umaga kahapon.
Mula sa naturang bilang, 22 ang naaktuhang umiinom sa pampublikong lugar, 24 ang half-naked o walang suot pang-itaas, apat na umiihi sa kalsada at isang lumabag sa jaywalking.
172 naman ang nahuling menor na lumabag sa ipinatupad na curfew habang 92 naman ang naninigarilyo.
Ito ay kasunod pa rin ng pinaigting na operasyon ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga tambay na nakagagawa ng paglabag sa ordinansa. CAMILLE BOLOS
Comments are closed.