PINAAAPURA na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagpapatayo ng cell towers sa bansa kung saan nasa 3,000 cell sites ang target nito sa unang taon.
Nais ni DICT Acting Secretary Eliseo Rio, Jr. na magkaroon ng kasunduan sa telecommunication companies upang mapabilis ang pagsasakatuparan sa common towers na kinakailangan upang mapaghusay ang communication services sa bansa.
Ipinanukala ng DICT ang paglagda sa isang kasunduan para sa pagpapatayo ng 50,000 common towers sa loob ng pitong taon sa pagitan ng National Telecommunications Commission (NTC) at ng telcos.
Plano ng ahensiya na isapinal ang common tower policy sa loob ng buwang ito makaraang ilabas ng telecom firms ang talaan ng sites na tutukuyin para pagtayuan ng mga tower.
Nabatid na may 3,000 sites para sa instalasyon ng mga tower ang target sa unang taon kung saan unti-unti itong daragdagan ng 10,000 sites mula sa ika-5 hanggang ika-7 taon.
“Telcos will be the end-user of these common towers so we fully need their cooperation to improve our overall telecommunica-tion landscape,” pahayag ni Rio.
Sa ilalim ng kasunduan, magtutulungan ang DICT at NTC, kasama ang telcos, sa pagtukoy ng mga sites kung saan maaaring ilagay ang common towers.
Hanggang noong nakaraang linggo, ang DICT ay lumagda na sa Memorandum of Understanding (MoU) sa 15 tower firms pa-ra sa pagde-deploy ng common towers sa bansa.
Ang nasabing mga tower firm ay kinabibilangan ng limang local companies: ISOC Infrastructures, Inc.; Aboitiz InfraCapital, Inc.; MGS Construction, Inc.; J.S. Cruz Construction and Development, Inc.; at ALT Global; at 10 foreign firms: ISON ECP Tow-er Pte. Ltd.; IHS Holding Ltd. (IHS Towers); edotco Group Sdn Bhd; China Energy Equipment Co. Ltd.; RT Telecom Sdn Bhd.; Frontier Tower Associates Management Pte. Ltd.; the consortium of Global Networks, Inc. (GNI) and JTower, Inc.; American Tower Corp. (ATC); Desarrollos Terrestres (DT Towers); at Shinheung Telecom.
Ang Globe Telecom, Inc., Smart Communications, at incoming third telco Mislatel Consortium ay pawang nagpahayag na ng suporta sa common tower initiative ng pamahalaan.
Sa kasalukuyan, ang cell towers sa bansa ay wala pang 20,000 at kailangan nito ng karagdagang 50,000 para maging kumpetitibo sa mga karatig-bansa sa pagkakaloob ng dekalidad na communication ser-vices sa publiko.
Comments are closed.