TIINAYA ng mga economic manager ng bansa na nasa 3,000 trabaho ang inaasahang maibibigay ng Davao Public Transport Modernization Project (DPTMP) sa Davao region.
Ang nasabing proyekto ng Department of Transportation (DOTR) na naglalayung pagandahin ang transportasyon sa Davao na mag-uudyok sa paglago ng ekonomiya sa lungsod.
Pinondohan ito ng Asian Development Bank (ADB) kaya naman labis ang pasalamat ng pamahalaan sa nasabing financial institution.
Ang proyekto ay binuhusan ng P1 bilyon na loan mula sa ADB subalit inaasahang malaking pakinabang sa mga taga-Davao lalo na’t makapagbibigay ng trabaho sa mga nasabing rehiyon at maging kalapit lalawigan.
Sisimulan ang civil works sa ikatlong quarter ng taon o sa July 2024.
Ang DPTMP ay isang 672-kilometer bus route network, na magsisilbi ng 29 interconnected routes na daraanan ng 400 articulated battery electric buses at mahigit 500 diesel buses, habang mapakikinabangan ng 800,000 na pasahero araw-araw.
At ito ay naglalayong maghatid ng mataas na kalidad na sistema ng pampublikong transportasyon na nakabatay sa bus upang matiyak ang kadaliang kumilos at accessibility para sa lumalaking populasyon at ekonomiya ng Davao City.
Eunice Celario