INILUNSAD ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Level 3 San Mateo Water Supply System, isang P93.59-milyong proyekto na layuning maghatid ng ligtas at malinis na tubig sa mga upland na komunidad sa Norzagaray, Bulacan.
Pinangunahan ang groundbreaking ceremony noong Nobyembre 22 ni Undersecretary Roberto R. Bernardo, kinatawan ni Secretary Manuel M. Bonoan kasama si Bulacan 6th District Representative Salvador A. Pleyto Sr.
Dumalo rin sa okasyon sina Regional Office 3 Director Roseller A. Tolentino, Assistant Regional Director Melquiades H. Sto. Domingo at Bulacan 2nd District Engineer George DC. Santos.
Nakiisa rin sa seremonya na ginanap sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Compound sa Barangay Bigte sina Norzagaray Mayor Ma. Elena L. Germar, Vice Mayor Patricio I. Gener, MWSS Acting Chairperson Elpidio J. Vega, MWSS Acting Administrator Leonor C. Cleofas at Norzagaray Water District General Manager Aimer B. Cruz.
“This project, initiated through the efforts of Congressman Pleyto, will facilitate low-cost distribution and eliminate the financial burden of residents in the area who currently have to pay hefty amount for a drum of water” ayon kay Usec. Bernardo.
Kapag natapos, inaasahang makikinabang sa proyekto ang humigit-kumulang 3,000 kabahayan sa Barangay San Mateo at mga kalapit na lugar tulad ng Barangay Bigte.
Ang proyekto ay nahahati sa tatlong yugto, ito ay ang Phase 1: Paglalagay ng booster pump, transmission pipes, at tangke ng tubig na magsusuplay sa Barangay Bigte, Phase 2: Pagpapalawak ng sistema gamit ang pangalawang booster pump at karagdagang tangke ng tubig para maabot ang San Mateo Proper at Sitio Compra at Phase 3: Pag-install ng mas maliit na booster pump at pangatlong tangke upang masuplayan ang mga natitirang lugar tulad ng Ipo Road at Ipo View Deck.
RUBEN FUENTES