TATLONG libong pulis ang ide-deploy sa Araw ng Paggawa bukas, Mayo 1.
Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Oscar Albayalde, inaasahan na nila na mayroong magsasagawa ng kilos protesta subalit hindi nila batid ang bilang ng mga magsasagawa ng rally.
Pinaalalahanan naman ni Albayalde ang mga magsasagawa ng kilos protesta na mag-ingat sa mga “infiltrators.”
Ito’y matapos makakuha ng intelligence report ang Armed Forces of the Philippines na may mga New People’s Army (NPA) na magtatangkang makihalo sa mga raliyista para magsimula ng kaguluhan.
Ayon sa PNP chief, gawain ng NPA na samantalahin ang sitwasyon para lumikha ng kaguluhan na isisisi sa pamahalaan.
Inihalimbawa ni Albayalde ang nangyari sa mga kilos protesta ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita Massacre noong 2004, at sa Kidapawan Massacre noong 2016, kung saan mga kalaban ng pamahalaan ang nanguna sa kaguluhan na naging madugo ang resulta.
Babala ni Albayalde, hindi lahat ng mga kasama sa Labor Day rallies ay mga “cause oriented groups” dahil ang iba ay may sariling agenda. EUNICE C.
Comments are closed.