30,000 TRABAHO SA BPO BUKAS PARA SA REPATRIATED OFWs

BPO

MAY 30,000 trabaho sa business process outsourcing (BPO) industry ang bukas para sa migrant workers na narepatriate dahil sa COVID-19 pandemic, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sinabi ni Labor Assistant Secretary Dominique Tutay na nakatakdang lumagda ang ahensiya at ang Information Technology and Business Process Association of the Philippines (IBPAP) sa isang kasunduan upang tulungan ang overseas Filipino workers (OFWs) na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

“Ang partnership natin with them is to assist ‘yung mga OFWs na na-repatriate at mabigyan ng oportunidad sa BPO sector kung gusto po nilang mag-retool o mag-reskill ng kanilang kakayanan,” sabi ni Tutay.

Aniya, ang DOLE ang magkakaloob ng database ng OFW returnees na interesado o kuwalipikado para sa job vacancies,

Ang mga aplikante ay ire-refer sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa retooling at upgrading ng kanilang  skills.

Sa pinakahuling datos ng DOLE, mahigit sa 230,000 OFWs ang bumalik sa Filipinas sa harap ng global pandemic.

Comments are closed.