(300K MT kailangang angkatin ng bansa)SUPLAY NG ASUKAL KULANG

Sugar

NASA 300K metriko tonelada ng asukal ang kailangang angkatin ng bansa para ma-stabilize ang presyo sa merkado.

Ayon kay Department of Agriculture Undersecretary and Spokesperson Kristine Evangelista, may shortage sa suplay ng asukal matapos ang pananalasa ng bagyong Odette noong December 2021 kung saan naapektuhan ang mga tanim na tubo.

Dahil dito ay bumaba ang suplay ng asukal kaya apektado rin ang presyo sa retail market.

Binigyang-diin ni Evangelista na base sa sitwasyon ay kailangan munang mag-angkat at palakasin ang produksiyon.

Dapat din aniyang tiyakin ng Sugar Regulatory Administration ang dami ng asukal na aangkatin upang hindi sumobra.

Samantala, isinasapinal na ang plano para sa pag-aangkat ng naturang produkto.

DWIZ 882