CENTRAL LUZON – SA loob lamang ng sampung buwan, umabot na sa 301 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang kusang sumuko sa Northern Luzon Military Command.
Ayon kay Nolcom commander Major General Arnulfo Burgos Jr., isinuko rin ng mga rebelde ang 93 iba’t ibang uri ng baril sa naganap na mass surrenders.
Kaugnay nito, ang mga kuwalipikadong NPA rebel na sumuko ay makakatanggap ng P700K mula sa pamahalaan para gamitin sa pagsisimu-la ng pagbabagong buhay matapos tumalikod mula sa underground movement sa ilalim ng E-CLIP.
Base sa tala ng militar, tatlong rebelled kabilang na ang 17-anyos mula sa main fighting unit ng communist Cagayan Valley Regional Party Committee ang sumuko sa Isabela noong Oktubre 30 matapos ang serye ng peace engagement ng militar at LGU.
Kasunod nito, sumuko rin ang 12 miyembro ng CPP- NPA underground mass organizations mula sa Ilocos Sur noong Huwebes na sinaksihan nina Burgos at Ilocos Sur Mayor Nathaniel Escobar. MHAR BASCO
Comments are closed.