MAHIGIT 2,000 ang naitalang bagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Base sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang alas- 4:00, Biyernes ng hapon, Pebrero 18 ay nasa 2,232 ang bagong naitalang kaso sa nakalipas na 24 oras.
Dahil dito, umakyat na sa 3,648,925 ang kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 65,796 o 1.8 porsiyento ang aktibong kaso 946 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 60,252 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,869 ang moderate, 1,422 ang severe, habang 307 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Iniulat na 79 naman ang napaulat na nasawi kaya umakyat na sa 55,409 o 1.52 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 3,010 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 3,527,720 o 96.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.