303 PAMILYA SA BULACAN BINAHA

HALOS  sampung sa lalawigan ng Bulacan ang matinding naapektuhan ng baha dulot ng walang humpay na ulan dala ng lumisang Bagyong Fabian at Habagat.

Sa report ni Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office Chief Liz Mungcal, kabilang sa lumubog sa 2-3 feet na tubig baha ang Guiguinto, Plaridel, Malolos, at Meycauayan.

Habang 1-2.5 feet na baha sa Paombong, Bulakan, Calumpit, Balagtas, Hagonoy, Marilao,at Obando.

Nasa 303 na pamilya ang apektado ng mga pagbaha, na binubuo ng 1,076 na indibidwal, habang nananatili naman sa 31 evaccuation centers sa mga nabanggit na barangay.

Samantala umabot na sa P5,000,000na halaga ng kalsada sa District 1ng Department of Public Works and Highways ang winasak ng baha, habang nasa P14,300,000 ang nasirang kalsada sa District 2.

Kasabay nito, kahapon ay hindi naman puwedeng danaan ng l sasakyan ang Macaiban Bridge sa bayan ng Sta.Maria.

Sa bayan ng Marilao, hindi madaanan ang bahagi ng Lias Road at Ibayo Salusoy Road, ang Brgy, Sta.Crus naman sa bayan ng Guiguinto.

Hanggang kahapon din, Hulyo 25, patuloy abg nagpapawala ng 38 cubic meters per seconds ng tubig baha ang isang Radial Gate ng Ipo Dam.

Habang ang dalawang radial gate 1 at 2 ng Bustos Dam ay patuloy rin na nagpapawala ng 38 cms tubig baha .

Nagkaoon din ng free rinde sa Hagonoy at Balagtas para tulungan ang mga stranded na commuter.
THONY ARCENAL

6 thoughts on “303 PAMILYA SA BULACAN BINAHA”

  1. 268006 907201This really is a very good subject to talk about. Usually when I uncover stuff like this I stumble it. This write-up probably wont do well with that crowd. I will be sure to submit something else though. 822108

Comments are closed.