NASA 30,552 ang napaulat na bagong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Pilipinas araw ng Sabado.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00 ng Enero 24, pumalo na sa 3,387,524 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 280,619 o 8.3 porsiyento ang aktibong kaso.
8,591 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 267,236 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,996 ang moderate, 1,491 ang severe, habang 305 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Iniulat na 97 ang bagong nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 53,406 o 1.58 porsiyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 41,471 naman ang gumaling pa sa COVID-19 kaya umakyat na sa 3,053,499 o 90.1 porsiyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.