NASA 309 na kabilang sa mga binilang na gumaling na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang natuklasang pumanaw na pala.
Nakita ito sa isinagawang correction ng Department of Health (DOH) sa kanilang datos nitong nakaraang linggo.
Kabilang pa sa corrections na isinagawa ang pagtanggal sa dalawang napasama sa tally gayong negatibo naman sa COVID-19 at 51 na nananatiling infected subalit napasama sa recoveries.
May tinanggal din na 46 sa bilang ng mga nasawi dahil napag-alamang 17 sa mga ito ay buhay pa, 14 ang gumaling pa, tatlo ang nananatiling infected, samantalang ang 26 ay duplicate case.
Sa ulat ng DOH kahapon ay umakyat na sa 189,601 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa matapos na makapagtala pa ng karagdagang 2,387 confirmed cases araw ng Linggo, Agosto 23.
Umaabot naman sa kabuuang 131,367 ang bilang ng mga pasyente na gumaling na mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos maitala ang 16,459 new recoveries. DWIZ882
Comments are closed.