CAMP CRAME – Umaabot na sa 30,284 na outlet ng Philippine Charity Sweepstakes Office gaming outlets na nag-o-operate ng small town lottery, Lotto, Keno at Peryahan ng Bayan sa buong bansa ang naisara na ng Philippine National Police (PNP), na direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinag-utos ng Pangulo na ipasara na ang lahat ng gaming activities na ino-operate ng PCSO dahil sa umano’y ulat na korupsiyon.
Ayon kay PNP Chief Police Gen Oscar Albayalde, agad siyang nagpalabas ng hiwalay na direktiba sa PNP regional directors upang ipasara ang mga sugal na ino-operate ng PCSO.
Pero nilinaw ni Albayalde na ang mahigit 30,000 na mga naipasang PCSO gaming outlet ay hindi kabuuang bilang ng mga PCSO franchised sa halip ito lamang ay kanilang naipasara.
Bukod sa kampanya kontra sugal, paiigtingin din ng PNP ang kanilang law enforcement and public operations lalo na ang paghuli sa wanted persons, pagtutok sa street crimes at illegal drug operations. REA SARMIENTO/VERLIN RUIZ
Comments are closed.