DUMATING na sa Sta. Ana Hospital ang may 30,000 doses ng COVID-19 vaccine na Pfizer nitong Sabado.
Ang nasabing vaccine ay nakalaan para sa pagsisimula ngayong araw ng pagbabakuna sa mga batang may edad lima hanggang 11 taong gulang.
Sa pahayag ng Manila Public Information Office, sisimulan ang pagbabakuna sa naturang age group sa Manila Zoo ngayong araw.
Batay sa datos hanggang nitong Pebrero 4, nasa 18,488 na bata ang nakapagparehistro na upang makiisa sa bakunahan.
Gayundin, maaring magparehistro para sa COVID-19 vaccination ng pediatric population sa manilacovid19vaccine.ph.