30K SUBIC WORKERS, MAGIGING JOBLESS SA TRABAHO BILL – SBFCC

Danny Piano-President SBFCC

NASA 30,000 mang­gagawa sa Subic Bay Freeport Zone ang na­nganganib na mawalan ng trabaho kapag naisabatas ang House Bill 8083, o ang Tax Reform for Attracting Better and High-quality Opportunities (TRABAHO).

Ayon kay Danny J. Piano, presidente ng Subic Bay Freeport Chamber of Commerce (SBFCC),  ang TRABAHO bill ay hindi makabubuti sa Subic workforce. Layunin ng panukala na alisin ang corporate income tax (CIT) at i-overhaul ang mga insentibo, dahilan para mapilitan ang mga manufacturer sa freeport area na magbawas ng manpower.

Sa pagtaya ng SBFCC, nasa 30,000 hanggang 40,000 ang mawawalan ng trabaho kapag iginiit ng pamahalaan ang pagpasa sa kasalukuyang bersiyon ng TRABAHO bill.

Ang tinatayang job losses ay bumubuo sa  22.5 percent hanggang 30 percent ng halos 133,000 workers, karamihan ay locals,  na nagtatrabaho sa economic zone.

Gayunman, sinabi ni Wilma T. Eisma, chairman at administrator ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), na may mga hakbang siyang gagawin sakaling magtanggalan ng mga mangagawa sa freeport.

Ipinaliwanag naman ni Piano na pinag-iisipan ng mga locator na umalis ng bansa kapag inalis ang 5 percent gross income earned (GIE) na ipinagkakaloob sa kanila, tulad ng ipinanunukala sa ilalim ng TRABAHO bill. Binabayaran ito ng mga locator kapalit ng local at national taxes.

Comments are closed.