30TH DRIVER’S LICENSE RENEWAL OFFICE BINUKSAN

BINUKSAN na ang Land Transportation Office-National Capital Region ng renewal office para sa drivers license na matatagpuan sa ika-4 na palapag ng Ayala South Park, South Park District, Alabang, Muntinlupa City.

Pinangunahan ni Regional Director Roque “Rox” I. Verzosa III ang pagbubukas ng DLRO.

Ayon kay Verzosa ang pagkakaroon ng DLRO sa lugar ay magbibigay ng kaginhawahan sa libu-libong mga drayber, hindi lamang sa mga naninirahan sa Muntinlupa City, kundi pati na rin sa mga indibidwal sa mga kalapit na lugar na nais magpa-renew ng kanilang lisensya.

“Kagandahan po kasi kapag may mga DLRO hindi magiging crowded dun sa mga district offices, so ngayon pwede namin i-cater ‘yung public po sa mas convenient way, easist way kasi ‘yung mga malalapit po dito, dito na lang po sila pupunta. Hindi na nila kailangan lumayo,” dagdag pa Verzosa.

Inaasahan din ang DLRO ay maglilingkod sa maraming dosensya ng mga drayber sa isang araw, dahil ang Ayala Southpark Mall ay nagho-host din ng mga satellite office ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng Professional Regulation Commission (PRC).
PAULA ANTOLIN