ISA pang lalaking pulis ang namatay makaraang dapuan ng COVID-19, sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Health Service.
Ang biktima na Non-Commissioned Officer ay 31-anyos, naka-assign sa Police Region Office at pumanaw noong Mayo 4.
Dahil dito, nasa 57 na tauhan ng PNP ang iginugupo ng coronavirus disease.
As of 6PM ng Mayo 4, pumalo na sa 20,769 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa PNP makaraan ang bagong kaso na 158.
Ang bagong gumaling na pulis ay 172 kaya ang kabuuang recoveries ay 19,086.
Naitala naman ang mas mababang aktibong kaso na 1,626 kumpara sa bilang noong Mayo 4 na 1,641 na itinuring na lowest record simula noong Marso.
Ikinalungkot naman ng pamunuan ng PNP ang pagkamatay ni Patient 57 na anila’y bata pa na sana’y malaki pa ang maiaambag sa organisasyon. EUNICE CELARIO
938427 606689This really is a really exciting post, Im looking for this know how. So you understand I established your internet web site when I was searching for web sites like my own, so please look at my web site someday and post me a opinion to let me know how you feel. 169043