31 HVTs TIKLO SA BACK-TO-BACK DRUG OPS

LAGUNA – ARESTADO ng Laguna PNP Intelligence Unit ang 31 itinuturing na mga high value target sa pagtutulak ng shabu sa dalawang araw na police operations sa lalawigan.

Nakumpiska sa mga ito ang kabuuang 267.97 gramo ng shabu na tinatayang may street value na P1.5 milyon.

Sa pahayag ni Police Colonel Randy Glenn Silvio, Laguna police director, ang mga suspek ay naaresto sa 22 police operations sa iba’t- ibang munisipalidad sa lalawigan.

Ayon naman kay PBGeneral Jose Melencio Nartatez, Calabarzon PNP Director, ang naturang kampanya ay naging matagumpay sa tulong ng komunidad lalo’t higit ang itinatag na Barangay Intelligence Network( BIN) sa pangunguna ng mga Barangay Chairman.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa ng ebalwasyon at pagsusuri ang iba’t- ibang sektor sa bawat LGU sa Laguna para malaman kung alin sa hanay ng mga barangay ang maituturing na drug free community, dagdag pa ni Silvio. ARMAN CAMBE